Monday, February 7, 2011

si yakoh

ang tatag ko nuh? hehehe syempre hindi naman napapadaan dito yung taong involve sa entry na ito, kaya matapang akong mag post ng ganito hahaha wala naman pakialam yun kung ano nangyayari sa buhay buhay at life ko (anu daw?!)


hmm sige na nga back to the topic.. si yakoh.. paano nga ba naging parte ng magulo ko ng buhay ang aking dearest yakoh.. ipa-fast forward ko na masyado mahaba kung idedetalye ko pa..


nakilala ko sya sa BMU ka-clan
first impression ko sa kanya weird :D (kung ano ano kasi pinag gigiem)
napukaw nya interest ko nung time na may giniem syang short story.. eh syempre weakness ko yun kaya piniem ko ahehe


unang piem ko sa kanya.. hala weird nga.. anlalalim ng mga sinasabi.. natatawa na lang ako pero ayos lang sanat akong mag handle ng mga ganun.. weird din kaya ako!


ayon lumipas ang mga panahon,, hindi ko namalayan.. nagkakaron na pala sya ng place sa puso ko.. (gumaganun?!) eh kasi naman.. ewan ko ba mabait sya sakin saka sweet sya in any manner.. kaasar!! ayun ulit dumating yung time na nafall na talaga ako sa kanya pero biglang may umeksena (bitter?!) haha si Gisselle friend ko sya since high school medyo wild and bitchy.. nagpasali sa clan go naman ako friend ko eh,, doon na nagbago..


Alam ni Gisselle simula't sapul na may feelings ako sa tungaw na yun.. ahehe may time pa ata na binuking nya ako dun.. nainis pa nga ako nun kasi ayokong malaman nya.. ang masaklap pa..niligawan ni tungaw si Gisselle eh di lalong ouch di ba? hindi lang ako nagpaphalata kasi nga.. anong "K" ko para mag react..eh di sige go lang kahit masakit sa damdamin ang mas masakit pa ulit.. alam na nga ni Gisselle yung nararamdaman ko sa akin pa sya humihingi ng tulong kung ano dapat nyang gawin kay yakoh at tungkol dun sa panliligaw ni tungaw.. aray ulit! may mga times pa na sinesend nya sakin mga tinetext sa kanya ni yakoh,, imagine naman hitsura ko pag nababasa ko yun di ba? that's the time na hindi ko na kinaya.. doon na ako nagbigay ng ultimatum sa sarili ko na didistansya muna ako sa kanilang dalawa, kahit masakit gagawin ko na din.. para naman mabawasan yung mga nararanasan kong torture sa dalawang yun.


napanindigan ko naman yun mga ilang araw naman siguro mga four days.. pero tatagal pa yun kung hindi ako kinulit ni yakoh..andami nya sinend sakin na text wala ata syang balak tumigil kung hindi rereplyan.. naasar ako.. nireplayan ko sya pero with matching pagtataray hehehe ayun dun na natapos pag iwas ko.. bumalik na naman kami sa dati na friend friends churva.. pero syempre dahil sa friends friends churva na yun lalo lang lumalim feelings ko sa kanya..


sige lang ako.. pati si Gisselle pinagseselosan na ako,, siguro hindi maalis sa kanya yung maghinala kasi alam nya nga naman kung ano estado ng puso ko dun sa boyfriend nya.. dun yung time na naiyak na ako and i felt so worthless.. kilala ako ni Gisselle kaibigan ko sya malamang hindi ko gagawin yung mga ganun kahit pa mahal ko yung boyfriend nya.. naiyak ako sa word nya.. na feeling nya inaagaw ko boyfriend ko sa kanya


tandang tanda ko pa yun
"Gusto mo sya?! iyo na sya.. hindi ako madamot"


awch.. bakit hinihingi ko ba boyfriend nya? wala ba akong kwentang kaibigan at nasabihan nya akong ganun?


doon na kami nagkaron ng misunderstanding ni Gisselle..


okey fast forward ulet!!


nung napatunayan ko sa sarili kong mahal ko na talaga sya.. nagbalak ulit akong lumayo.. nag compose ako ng mala nobelang text para sa kanya... hindi ko pa nasesend teary eyed na ako.. naiyak na akong tuluyan nung nag reply sya.. pero *some text missing* naiyak ako kasi hindi ko man lang nalaman kung ano dahilan nya at ayaw nyang magkaroon kami ng next level na relation...


napanindigan ko pa rin yun ilang araw din.. pero nawawala yung shield ko pag magtetext na sta.. takteh hindi ko sya matiis!! kainis!! kaya balik ulit kami sa dati yung parang kami pero hindi naman.. pinabayaan ko na kung san man ako tangayin ng feelings kung yon.. basta ang alam ko sa ngayon.. masaya ako..


at ang karugtong?? saka na.. hehehe ikwekwento ko yung time na nagtapat ulit ako sa kanya dahil sa pamimilit ni dark..

No comments:

Post a Comment

Followers