Monday, January 31, 2011

Ang dulot ng sama ng loob kay ma'am chiela :)

nakakapagod at boring ang araw kahapon.. wala masyado ginagawa sa office..
pero busy-busyhan ang lahat.. maraming bagong trainee para sa sales coordinator kasi.. kaya petiks lang ako
pero hinihintay ko mag 5pm.. malamang uwian!! hehehe saka excited ako mag quantum treat ni mama jean at
nanay chiela,


at yun nga nag 5 na wang wang churva na si ma'am shaly bilis namin ni chibogz eh, syempre libre yun eh!!


ayun punta na kami ng SM nova , Quantum muna kantahan to the max! nakakasira ng eardrum si chimaki!
promise! gusto nyo i-try syang pakantahin! wag na lang baka pagsisihan nyo eh :)
after nun punta na kami ng mcdo.. expect namin na burger lang ang treat sa amin ni nanay chiela.. pero nagkamali kami,, dahil masama ang loob ata nya at feel nya mag kwento tungkol sa lovelife nya.. ayun nilibre nya kami ng sandamakmak na foods!


-chicken fillet with rice para sa kanilang tatlo
-chicken burger fillet naman sakin (yun nga ba tawag dun?)
-sprite sa kanya at coke samen
-naka 2 large fries kami at hindi pa nakuntento..
- sundae sa kanya at coke float samen.


andami2 nyang kwento nakakatuwa with matching kilig at pagbblush pa! kamusta naman parang high school lang! sa sobrang dami ng kwento nya hindi namin napansin na papasara na yung SM! grabeh pagtingin namin sa labas ng store, patay na yung mga ilaw! tayuan kami agad at larga na kahit hindi pa ubos yung mga coke float at bitin si nanay chiela sa pagkwekwento...


to nanay chiela:
maraming salamant po sa pagtreat nyo sa amin.. nabusog po kami.. and of course maraming salamat po sa pagtitiwala na ikwento samin ang inyong talambuhay na hindi pwedeng walang kasamang kilig at pagbblush! :)


sa uulitin!


to mama jean:
madami din pong salamat sa pagtanggap at pakikipag kaibigan nyo kahit kami ay mga hamak na OJT lamang.. kayo po ang unang nag approach sa amin at syempre po maraming salamat din sa mga teat.. next time kami naman po ang babawi promise!


scenario: tahimik ang buong sales department dahil lahat sila ay nasa meeting.. ako lang mag sia dito at sa reception area ay si ma'am shally na kanina pa hinahanap si ma'am jean dahil may itatanong sya.. at kanina pa din ako nilalamig dahil kahit naka aircon ang office eh may electric fan na nakatutok sakin, si ma'am evelyn kasi,,


sige guys till next entry! :))

buhay nga naman...

buhay nga naman parang life hekhek akalain mo yun? akala ko ako lang ang sawi sa mundong ibabaw
dahil akala ko, sa taong ito ako ang kauna unahang nasawi hahaha, yun pala may isa ring nag propose pero
sablay!! toinks! andun na eh! kinikilig at damang dama ko na yung pagtatapat nya..
at ang akala ko sasagot yung girlfriend nya ng "i do" dun sa tanong nya na "will you marry me?"


yun pala.. sablay! awch!! nasira ang momentum nya! pero hindi ko din alam kung ano ang sumunod na pangyayari
after that.. nabitin kasi ako sa blog nya.. sana naayos nila yung pag uusap nila ni gf nya para masaya.




at ako? kahit sablay yung pagtatapat ko dun sa taong mahal ko at hindi nya ako tinanggap bilang gf ayos na
din at least ganun pa rin yung pagtrato namin sa isa't isa,, at happy na din ako dahil pinayagan nya akong
i-express kung ano man yung feelings ko sa kanya in any manner and in any reason..


kaya sayo bro!! alam mo na kung sino ka..


isang malaking goodluck sayo!!

Saturday, January 29, 2011

.+mga natatanging kwento ng buhay ni mhy: ang bigay na meryenda ni mama jean at nanay chiela...

.+mga natatanging kwento ng buhay ni mhy: ang bigay na meryenda ni mama jean at nanay chiela...: "january 28 2011 at exactly 4:04 nibigyan kami ng meryenda ng mga natatangi naming mga ina, :) + kulay blue na martys +bawas na crem- o at ..."

ang bigay na meryenda ni mama jean at nanay chiela :)

january 28 2011 at exactly 4:04 nibigyan kami ng meryenda ng mga natatangi naming mga ina, :)


+ kulay blue na martys
+bawas na crem- o at
+yung tirang oishi spicy flavor kanina

hehehe ambaet nila diba? nakakatuwa.. tapos sa monday mag qquantum kami..

first blog ko ever!!

Followers