Friday, February 18, 2011

E. M. I. L. Y.

ang kwentong ito ay hango sa emosyon ko.. hehehe

Si Aira a simple girl next door, charming and witty best friend ni Lei, Si Lei appealing, charming, cute at mayabang na best friend ni Aira.. they've been best friends since they're high school days. nag umpisa yun nung bagong lipat sa subdivision na tinitirahan nila Lei ang pamilya ni Aira. siga-siga dun si Lei, minsan nakita nyang binu-bully si Aira ng mga malolokong kalalakihan sa subdivision nila, eh syempre dahil nga siga sya at mukhang iiyak na yung girl, nagpaka knight-in shining armour angh lolo mo,

"hoy! kayo wala na naman kayong magawa ha pati bagong salta pinagttripan nyo! tsupi!!" ayun dahil nga siga si Lei sa subdivision nila biglang nagtakbuhan yung mga lalaking nangungulit kay aira "salamat huh?" mangiyak ngiyak si Aira "wala yun, bago ka kasi dito kaya ginaganun ka ng mga yun, hmm nu pangalan mo?" tanong ni Lei "Aira, dyan ako nakatira sa tapat kakalipat lang namin nung isang linggo, eh ikaw?" "Lei, dun naman ako nakatira sa may third block" turo ni Lei "ah sige nice meeting you, papasok pa ako eh" paalam ni Aira "tara sabay na tayo base sa uniform mo pareho tayo ng school" "ok sige" payag ni Aira

at doon na nagsimula friendship nila, lagi na sila magkasama kahit saan hanggang mag college sila pareho sila ng school Aira taking up MassComm and Lei taking up architecture kung tatantyahin mga 8 years na din silang magkasama lagi na nga nila niloloko ang isa't isa na nakakaumay na.

pero syempre ang mag best friend may tawagan yan at syempre hindi pahuhuli yung dalawa sabi nga nila kailangan nila makiuso para in *tawa* si Lei ang tawag kay Aira "tong" short for kotong lagi kasi nakakatanggap ng kotong si Aira sa kuya nya at si Aira tawag kay Lei "emily"  na napakalaking palaisipan kay lei kung bakit yun pa tinawag sa kanya ni Aira bukod na pang gurlaloo yung pangalan na yun nakakabawas ng macho appearance nya pero kahit anong pilit gawin ni Lei hindi talaga nya mapilit si Aira na sabhin kung bakit kahit pa anong black mail. kaya hinayaan nya na lang sanay naman na mga kaibigan nila na ganuntawag ng dearest lovable bestfriend nya.

 A month before the graduation
nagbabasa ng magazine sa kwarto nya si Aira relax na relax sya dahil ngayon na lang ulit sya nakapag pahinga dahil nga andaming kailangang ipasang requirements sa university dahil graduating student sya nang biglang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto nya at iniluwa ang ever appealing nyang best friend na kahit sampung araw atang hindi maligo eh mukhang mabano pa rin. Nagsisisigaw ito ng "tong! tong! tong!" sabay pa-dive na tumalon sa kama nya at dahil malambot ang kama nya pagka-dive ng epal nyang bestfriend eh umuga ang bung pagkatao nya at muntik na syang tumalbog pababa ng kama buti na lang at bago mangyari yun eh nakakapit sya sa side table nya at yung magazine lang ang tumilapon, sa gulat eh bigla nyang sinabunutan si Lei sabay sabing "langya ka emily! ano bang meron at bigla ka na lang susugod dito at muntik pa akong mahulog sa kama!!" tumitili sya at parang mapaptis na mga litid nya sa kunsumisyon sa bestfriend nya "aray naman tong bakit masama na bang pumunta dito?? dati ko naman na ginagawa ito ah nagulat ka pa hmp!" pagddrama ni Lei, tumaas ng third floor ang kilay ni Aira sabay batok ulit sa kaibigan "aba?! at ikaw pa may ganang mag drama dyan? sino bang may kasalanan?? nagulat nlang ako at napadpad ka dito matagal mo na kasing hindi ginagawa to dahil nga may mga new circle of friends ka na" litanya ni Aira "o na ako na may kasalanan kaya nga andito ako para bumawi eh tara labas tayo treat ko" "weh?? talaga lang huh? wala ka bang lakad ngayon with your friends??" pinaka diin diinan pa talaga ni Aira yung friends "wala tara na" sabay hatak ni lei kay aira palabas ng kwarto nito para wala na tong palag "hey!emily wait lang naman nagmamadali ka?! " ngarag na ngarag na sabi ni Aira hindi nya naman kasi akalain na idadaan sya sa dahas ng pinakamamahal nyang best friend "oo nagmamadali ako baka kasi tumanggi ka pa, alam ko namang nagtatampo ka" "hmp buti alam mo" sumakay na sila sa kotse ni Lei at tulad ng lagi nilang ginagawa nag malling sila window shopping habang may hawak na chicha pag may nagustuhan ang isa bibilhin ganun sila lagi naging madalang na lang lately dahil nga naging busy. tumuloy sila sa Quantum yun ang hindi nila mapapalampas kasi mahilig silang kumantang dalawa yun nga lang ung dearest emily nya walang talent sa pagkanta samantalang sya ilang beses na nakakanta sa mga school programs. naimpluwensyahan lang nya dahil nga wala itong magawa pag pinakanta nya na hehe

hilig nun kantahin yung "hiling" ng silent sanctuary at habang kinakanta yun ng emily nya nakatitig sya at tumatakbo na naman yung isipan nya

at hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin

"oo emily sana ako na lang mahalin mo, ako na lang sana,, kung alam mo lang" 

sige lang ng kanta si Lei sanay na sya na pag kumakanta eh tititigan sya ng ganun ni Aira, at alam nya kung bakit, kasi aminado naman syang hindi maganda yung boses nya si Aira lang talaga ang nakakapagpakanta sa kanya. natapos ang kanta at umuwi na sila nag aasaran pa silang dalawa sa kotse

"alam mo emily wala ka man lang pinag level up, kahit konti walang nagbago sa tombre ng boses mo wahaha lagi na tayong nasa videoke nyan ah!" pang aasar ni Aira kay Lei

"oo na maganda kasi boses mo kaya ganyan ka" sabi ni Lei

"ahaha infairness huh nakakmiss kang asarin bleeh!" sige parin si Aira

"ahm tong may tatanong sana ako sayo tutal matagal na tayong magkaibigan tapos malapit na tayong grumaduate ng college baka naman pwedeng sabihin mo na sakin kung bakit emily endearment mo sakin?? hiniling ko na to sayo nung highschool grad natin kaso hindi mo sinabi.. baka naman pwedeng ngayon sabihin mo na?" mahabang litanya n Lei
biglang natahimik si aira nawala pagiging alskador nya "gusto mo ba talagang malaman?" nakayuko si aira pinipigilan ang luha "oo tong matagal ko nang gustong malaman yun" "pag nalaman mo maraming pwedeng magbago, kaya ayokong sabihin sayo, pwedeng mawala ung friendship natin" umiiyak na si aira "tong hindi nothing will change kahit pa malaman ko hindi naman big deal kung ano man ibig sabihin ng emily di ba?" "hindi Lei!! big deal yun kahit pa sabihin mong walang magbabago alam kong meron!!" humahagulgol na si aira, natahimik si Lei ngayon nya lana nakita si aira na ganun kaya alam nya big deal nga talaga yung dahilan kung bakit emily. pinunasan ni aira ang luha "sige kung gusto mo malaman kung ano tala meron sa likod ng endearment ko sayo bukas malalaman mo" sabay bukas ng pinto ng kotse at magtatakbo na papasok ng bahay si Aira.

habang nakahiga hindi pa rin maalis sa isip ni lei yung nangyari sa kanila ni aira kanina, hindi na iyaking tao si aira nung nag mature na sila kahit ano pa gawin sa kanya basta kaya nitong pigilan ang luha ginagawa nitopero kanina...

kinaumagahan haggard na haggard ang hitsura ni Lei hindi kasi sya nakatulog pasakay na sya ng kotse nya para pumasok ng matanaw nyang palabas ng gate nila si aira, nagkatinginan silang dalawa si aira ang unang nagbaba ng tingin, lumapit sya lay Lei..

bumuntong hininga muna bago kinuha yung sulat na ginawa nya nung nakaraang gabi para kay lei, inabot nya yun kay lei "oh eto na dyan mo malalaman yung mga bagay na gusto mong malaman,  sige emily bye" nakita nya yung lungkot sa mga mata ni aira,, "wait tong sabay ka na sa akin" "wag na mag ccommute na lang ako sige" nagulat si lei dati rati eh pag natanaw sya ni aira na papasok na rin eh hindi nya pa to inaaya eh mabilis pa sa als kwatrong sasakay to ng kotse nya para sumabay.. umiling iling na lang sya at sumakay na ng kotse para pumasok wala sa loob na nilagay nya sa back pocket ng suot nyang pantalon yung sulat na bigay ni tong.

sa university naman maghapong nagtatago si aira pinipilit na iwasan mga pwedeng lugar na makita si lei, kaya laking pasasalamat nya ng pwede na syang umuwi at magtago sa kwarto nya.

kinagabihan kararating lang ni lei at magpapalit na sya ng damit pambahay ng makapa nya yung sulat na bigay ni tong sa kanya umupo sya sa kama at binasa nya...

after nya mabasa kinuha nya yung cp nya at dinial number ni aira, pagsagot ni aira "dito ako sa labas ng gate nyo labas nga mag usap tayo" sabat baba hindi nya na hinintay makapag react si aira, 
nagulat si aira sumilip sa labas ng bintana nya andun nga si emily ang pinakamamahal nyang si emily..wala syang magawa kundi bumaba alam nyang hindi yun aalis dun hanggang hindi sila nakakapag usap.

"bakit ngayon mo lang sinabi?? bakit ngayon lang tong in sorry" niyakap ni lei si aira mahigpit, mahigpit na mahigpit "bakit ngayon lang,, kung kailan hindi na pwede" umiiyak na di si aira,, naninikip na dibdib nya tinulak nya si lei "im sorry" yun lang nasabi nya sabay takbo papasok ng bahay nila,

pagdating nya sa kwaro umiyak sya ng umiyak habang sa labas naman hindi alam ni lei kung ano gagawin sinuntok nya yung pader, gusto nyang sumigaw gusto nyang magwala.. alam nya mawawala na si tong sa buhay nya.. 

bakit nya pa kasi pinilit si tong na sabihin yung totoo kung hindi sya nagpilit malamang ayos pa sila ngayon..


gusto nyo din ba mabasa kung ano laman nung sulat ni tong kay emily??

No comments:

Post a Comment

Followers