Wednesday, February 2, 2011

hindi porke babae ka,,

"bakit ako unang makikipagbati?! babae kaya ako? kahit ako may kasalanan dapat sya mauna noh"

"bakit ako unang mag aaproach? babae kaya ako? hihintayin ko na lang na sya gumawa ng first move."

"ako ang dapat masunod! ako dapat humawak ng suweldo mo, ako ang babae!" 

"pumapatol ka sa babae, bakla ka ba?!"

yan ang mga karaniwang maririnig mo sa mga babaeng pinagmamalaki na babae sila, pero minsan hindi nila inilalagay sa ayos at sa tama ang pagiging babae nila, bagkus inaabuso pa nila ito at ipinamumukha ito sa opposite sex, which is mali.. isang napakalaking pagkakamali.. (oh mga babae wag muna mag react may dahilan naman ako kung bakit ko nasabi yun,, pinapaalala ko lang babae din ako)


bakit ko nasabing mali? actually hindi naman sa lahat ng pagkakataon, naiinis lang ako dun sa mga kabaro ko na masyadong mapagmalaki at akala mo kung sino, na laging sinasabing "babae ako, may angal ka?" tapos sila pa may ganang magalit pag nabastos sila ng mga kalalakihan.

isipin naman natin kasi diba? na hindi sa lahat ng oras eh tama tayo.. kahit pa babae tayo, naiinis ako dun sa mga babaeng nagsimula ng away tapos may gana pang sabihan ng bakla yung lalaki kapag pinatulan sya, in fact naman eh talagang mali sila.. hindi porke babae ka wala ng karapatan ang mga lalaking patulan ka lalo na at nasa tama sila. may mga isp din yan at alam nila kung tama sila o hindi, hindi porke babae ka ikaw na hahawak sa suweldo ng asawa mo, (eh paano kung waldas ka pala at sa sugal mo lang inuubos ang pera ng asawa mo? mali nga yon)

hindi porke babae ka hindi ka na pwedeng mag approach sa lalaki.. hindi nakakahiya yun lalo na at alam mo at nararmdaman mong may feelings din sya sayo. pero kung nakapag approach ka na at ayaw talaga wag mo na ipilit baka namis- interpret mo lang yung mga galaw nya.

hindi porke babae ka hindi mo na pwedeng tanggapin pag nag away kayo ng irog mo kahit ikaw ang may mali kailangan mong makipagbati. hindi yun masama as long as alam mo sa sarili mo na mali ka at kaya mong ibaba ang pride mo para lang sa taong mahal mo.


hhindi porke babae ka wala ng puwang sa lalaki ang makipag argumento pag may mga panahong may pinagtatalunan kayo. hindi sya BAKLA, pinaglalaban nya lang ang alam nyang tama at ang kanyang prinsipyo lalo na at masyado mo ng tinatapakan pagkakalaki nya.

kaya girls HINDI PORKE BABAE ka,, ikaw ang laging tama..
HINDI PORKE BABAE ka,, ikaw ang laging susundin

gets!??



No comments:

Post a Comment

Followers