Friday, February 4, 2011

Mga tanong na hindi ko mahagilap ang sagot

Minsan may mga tanong tayo sa buhay natin na mahirap talagang hanapan ng sagot, minsan nga simpleng tanong sa pandinig mo pero kung bibigyan mo ng pansin ang hirap pa pa lang sagutin yung tipong pag nadinig mo.. "huh? alin yun?" ang yabang mo pa na masasagot mo pero bigla ka na lang mapapaisip at mangungunot ang noo sabay sabing "oo nga noh? bakit nga ba? panu nga ba?" isa ak sa libo libong tao na may mga ganyang katanungan eto ang scenario:

Networking class namin 3rd year second sem yun, syempre excited kami dahil sa korphil yung klase namin , airconditioned eh! ang natatandaan ko, daisy chain ang topic nya nun tapos may tinatanong sya na hindi namin masagot at bigla nya sinabing "class minsan kahit maliit na bagay lanhg oh mga hindi kapansin pansin na bagay kailangan ng sagot. mas matututo tayo kung matanong tayo at alamin ang mga bagay na kahit maliit o sa tingin mo walang halaga ay hindi pala" gaya ng mga tanong na:

Bakit nasa labas ang brief ni superman at bakit red? (hagalpakan kami ng tawa buong klase nun pero maya-maya natahimik kami) "oo nga noh? bakit nga ba?" narinig kong sabi ng marami maski naman ako napangunot ang noo nun at napaisip sa nakakatawa pero nakaka-curious na tanong na yun ni sir. nag follow up question pa si Sir

Eh bakit ang traffic lights green, red, at orange ang kulay? bakit green sa Go? bakit orange at bakit red sa Stop? hala napaisip na naman ako hindi pa nga kami nakakarecover dun sa una nyang tanong hala at eto pa isa na nakakawindang. andaming pang tanong ni sir na hindi ko na matandaan kung ano- ano hay! windang ang 3A that time..

Another scenario:

Multimedia class namen with Sir Orias,, Si Sir Orias naman kahit hindi konektado sa topic basta maisipang magtanong, eh magtatanong at ang ganda ng tanong nya huh

"guys bakit si gremlin na masscot ng mcdo eh kulay violet? wala namang tindang ube sa mcdo db?" poo nga naman.. naisip ko..

eh yung mga pansarili ko kayang tanong may mga kasagutan?

bakit ang building, building pa din ang tawag kahit tapos na syang gawin? (hindi ba dapat BUILT na?)

Bakit ang painting, painting pa din ang tawag kahit tapos na yung i-paint? (hindi ba dapat painted na?)

haist marami pa akong mga tanong na talagang hindi ko mahanapan ng sagot..
EH KAYO? MAY MGA TANONG BA KAYO? :))

No comments:

Post a Comment

Followers