Saturday, February 26, 2011

nakakamiss

ayun nakakamiss ka pala..



nakakamiss pala pag nangungulit ka

nakakamiss pala pag nangaasar ka

nakakamiss pala pag nagtetext ka ng mwuah

nakakamiss pala pag yung mga 10pm na nagpapaalam ka na matutulog ka na

nakakamiss pala pag naaappreciate mo yung pagpapadecode ko sayo ng mga messages

nakakamiss pala pag lagi mo akong pinapahirapan sagutin yung mga out of this world mong tanong

nakakamiss pala pag dumudugo na yung utak ko sa mga english mo

nakakamiss pala pag sini-share mo sakin yung mga thoughts mo

nakakamiss pala yung pagtawag mo sakin ng "eyah"

at mas nakakamiss pag tinatawag kitang "yakoh"


i really miss you T_T

Friday, February 18, 2011

nung nakaraan valentines

ayun may naalala lang ako.. nung nakaraang valentines.. dapat may date ako.. kaso...

ayun sablay!! hahaha

naalala ko na naman si espongha,, nung inaya nya akong mag date nung nakaraang valentines.. halos tumambling ako nun =) syempre hindi ko expect yun at wala talaga sa bokabularyo ko na aayain nya ako mag date! gusto pa sa MOA at manunuod ng fireworks (ang sweet nya no?)

pero gumuho mundo ko hehehe hindi kasi natuloy eh may mga pangyayaring hindi inaasahan.. gaya ng pag aaya nya awchness yun huh!!

pero ayos na rin yon wala na sakin yun ngayon kasi pagkatappos kong buuin muli yung mga nawasak sakin nung nakaraang valentines 

nawasak na naman puso ko this valentines!!! hay buhay!

sa susunod na valentines kaya may wawasak ulit sakin???

E. M. I. L. Y.

ang kwentong ito ay hango sa emosyon ko.. hehehe

Si Aira a simple girl next door, charming and witty best friend ni Lei, Si Lei appealing, charming, cute at mayabang na best friend ni Aira.. they've been best friends since they're high school days. nag umpisa yun nung bagong lipat sa subdivision na tinitirahan nila Lei ang pamilya ni Aira. siga-siga dun si Lei, minsan nakita nyang binu-bully si Aira ng mga malolokong kalalakihan sa subdivision nila, eh syempre dahil nga siga sya at mukhang iiyak na yung girl, nagpaka knight-in shining armour angh lolo mo,

"hoy! kayo wala na naman kayong magawa ha pati bagong salta pinagttripan nyo! tsupi!!" ayun dahil nga siga si Lei sa subdivision nila biglang nagtakbuhan yung mga lalaking nangungulit kay aira "salamat huh?" mangiyak ngiyak si Aira "wala yun, bago ka kasi dito kaya ginaganun ka ng mga yun, hmm nu pangalan mo?" tanong ni Lei "Aira, dyan ako nakatira sa tapat kakalipat lang namin nung isang linggo, eh ikaw?" "Lei, dun naman ako nakatira sa may third block" turo ni Lei "ah sige nice meeting you, papasok pa ako eh" paalam ni Aira "tara sabay na tayo base sa uniform mo pareho tayo ng school" "ok sige" payag ni Aira

at doon na nagsimula friendship nila, lagi na sila magkasama kahit saan hanggang mag college sila pareho sila ng school Aira taking up MassComm and Lei taking up architecture kung tatantyahin mga 8 years na din silang magkasama lagi na nga nila niloloko ang isa't isa na nakakaumay na.

pero syempre ang mag best friend may tawagan yan at syempre hindi pahuhuli yung dalawa sabi nga nila kailangan nila makiuso para in *tawa* si Lei ang tawag kay Aira "tong" short for kotong lagi kasi nakakatanggap ng kotong si Aira sa kuya nya at si Aira tawag kay Lei "emily"  na napakalaking palaisipan kay lei kung bakit yun pa tinawag sa kanya ni Aira bukod na pang gurlaloo yung pangalan na yun nakakabawas ng macho appearance nya pero kahit anong pilit gawin ni Lei hindi talaga nya mapilit si Aira na sabhin kung bakit kahit pa anong black mail. kaya hinayaan nya na lang sanay naman na mga kaibigan nila na ganuntawag ng dearest lovable bestfriend nya.

 A month before the graduation
nagbabasa ng magazine sa kwarto nya si Aira relax na relax sya dahil ngayon na lang ulit sya nakapag pahinga dahil nga andaming kailangang ipasang requirements sa university dahil graduating student sya nang biglang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto nya at iniluwa ang ever appealing nyang best friend na kahit sampung araw atang hindi maligo eh mukhang mabano pa rin. Nagsisisigaw ito ng "tong! tong! tong!" sabay pa-dive na tumalon sa kama nya at dahil malambot ang kama nya pagka-dive ng epal nyang bestfriend eh umuga ang bung pagkatao nya at muntik na syang tumalbog pababa ng kama buti na lang at bago mangyari yun eh nakakapit sya sa side table nya at yung magazine lang ang tumilapon, sa gulat eh bigla nyang sinabunutan si Lei sabay sabing "langya ka emily! ano bang meron at bigla ka na lang susugod dito at muntik pa akong mahulog sa kama!!" tumitili sya at parang mapaptis na mga litid nya sa kunsumisyon sa bestfriend nya "aray naman tong bakit masama na bang pumunta dito?? dati ko naman na ginagawa ito ah nagulat ka pa hmp!" pagddrama ni Lei, tumaas ng third floor ang kilay ni Aira sabay batok ulit sa kaibigan "aba?! at ikaw pa may ganang mag drama dyan? sino bang may kasalanan?? nagulat nlang ako at napadpad ka dito matagal mo na kasing hindi ginagawa to dahil nga may mga new circle of friends ka na" litanya ni Aira "o na ako na may kasalanan kaya nga andito ako para bumawi eh tara labas tayo treat ko" "weh?? talaga lang huh? wala ka bang lakad ngayon with your friends??" pinaka diin diinan pa talaga ni Aira yung friends "wala tara na" sabay hatak ni lei kay aira palabas ng kwarto nito para wala na tong palag "hey!emily wait lang naman nagmamadali ka?! " ngarag na ngarag na sabi ni Aira hindi nya naman kasi akalain na idadaan sya sa dahas ng pinakamamahal nyang best friend "oo nagmamadali ako baka kasi tumanggi ka pa, alam ko namang nagtatampo ka" "hmp buti alam mo" sumakay na sila sa kotse ni Lei at tulad ng lagi nilang ginagawa nag malling sila window shopping habang may hawak na chicha pag may nagustuhan ang isa bibilhin ganun sila lagi naging madalang na lang lately dahil nga naging busy. tumuloy sila sa Quantum yun ang hindi nila mapapalampas kasi mahilig silang kumantang dalawa yun nga lang ung dearest emily nya walang talent sa pagkanta samantalang sya ilang beses na nakakanta sa mga school programs. naimpluwensyahan lang nya dahil nga wala itong magawa pag pinakanta nya na hehe

hilig nun kantahin yung "hiling" ng silent sanctuary at habang kinakanta yun ng emily nya nakatitig sya at tumatakbo na naman yung isipan nya

at hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin

"oo emily sana ako na lang mahalin mo, ako na lang sana,, kung alam mo lang" 

sige lang ng kanta si Lei sanay na sya na pag kumakanta eh tititigan sya ng ganun ni Aira, at alam nya kung bakit, kasi aminado naman syang hindi maganda yung boses nya si Aira lang talaga ang nakakapagpakanta sa kanya. natapos ang kanta at umuwi na sila nag aasaran pa silang dalawa sa kotse

"alam mo emily wala ka man lang pinag level up, kahit konti walang nagbago sa tombre ng boses mo wahaha lagi na tayong nasa videoke nyan ah!" pang aasar ni Aira kay Lei

"oo na maganda kasi boses mo kaya ganyan ka" sabi ni Lei

"ahaha infairness huh nakakmiss kang asarin bleeh!" sige parin si Aira

"ahm tong may tatanong sana ako sayo tutal matagal na tayong magkaibigan tapos malapit na tayong grumaduate ng college baka naman pwedeng sabihin mo na sakin kung bakit emily endearment mo sakin?? hiniling ko na to sayo nung highschool grad natin kaso hindi mo sinabi.. baka naman pwedeng ngayon sabihin mo na?" mahabang litanya n Lei
biglang natahimik si aira nawala pagiging alskador nya "gusto mo ba talagang malaman?" nakayuko si aira pinipigilan ang luha "oo tong matagal ko nang gustong malaman yun" "pag nalaman mo maraming pwedeng magbago, kaya ayokong sabihin sayo, pwedeng mawala ung friendship natin" umiiyak na si aira "tong hindi nothing will change kahit pa malaman ko hindi naman big deal kung ano man ibig sabihin ng emily di ba?" "hindi Lei!! big deal yun kahit pa sabihin mong walang magbabago alam kong meron!!" humahagulgol na si aira, natahimik si Lei ngayon nya lana nakita si aira na ganun kaya alam nya big deal nga talaga yung dahilan kung bakit emily. pinunasan ni aira ang luha "sige kung gusto mo malaman kung ano tala meron sa likod ng endearment ko sayo bukas malalaman mo" sabay bukas ng pinto ng kotse at magtatakbo na papasok ng bahay si Aira.

habang nakahiga hindi pa rin maalis sa isip ni lei yung nangyari sa kanila ni aira kanina, hindi na iyaking tao si aira nung nag mature na sila kahit ano pa gawin sa kanya basta kaya nitong pigilan ang luha ginagawa nitopero kanina...

kinaumagahan haggard na haggard ang hitsura ni Lei hindi kasi sya nakatulog pasakay na sya ng kotse nya para pumasok ng matanaw nyang palabas ng gate nila si aira, nagkatinginan silang dalawa si aira ang unang nagbaba ng tingin, lumapit sya lay Lei..

bumuntong hininga muna bago kinuha yung sulat na ginawa nya nung nakaraang gabi para kay lei, inabot nya yun kay lei "oh eto na dyan mo malalaman yung mga bagay na gusto mong malaman,  sige emily bye" nakita nya yung lungkot sa mga mata ni aira,, "wait tong sabay ka na sa akin" "wag na mag ccommute na lang ako sige" nagulat si lei dati rati eh pag natanaw sya ni aira na papasok na rin eh hindi nya pa to inaaya eh mabilis pa sa als kwatrong sasakay to ng kotse nya para sumabay.. umiling iling na lang sya at sumakay na ng kotse para pumasok wala sa loob na nilagay nya sa back pocket ng suot nyang pantalon yung sulat na bigay ni tong.

sa university naman maghapong nagtatago si aira pinipilit na iwasan mga pwedeng lugar na makita si lei, kaya laking pasasalamat nya ng pwede na syang umuwi at magtago sa kwarto nya.

kinagabihan kararating lang ni lei at magpapalit na sya ng damit pambahay ng makapa nya yung sulat na bigay ni tong sa kanya umupo sya sa kama at binasa nya...

after nya mabasa kinuha nya yung cp nya at dinial number ni aira, pagsagot ni aira "dito ako sa labas ng gate nyo labas nga mag usap tayo" sabat baba hindi nya na hinintay makapag react si aira, 
nagulat si aira sumilip sa labas ng bintana nya andun nga si emily ang pinakamamahal nyang si emily..wala syang magawa kundi bumaba alam nyang hindi yun aalis dun hanggang hindi sila nakakapag usap.

"bakit ngayon mo lang sinabi?? bakit ngayon lang tong in sorry" niyakap ni lei si aira mahigpit, mahigpit na mahigpit "bakit ngayon lang,, kung kailan hindi na pwede" umiiyak na di si aira,, naninikip na dibdib nya tinulak nya si lei "im sorry" yun lang nasabi nya sabay takbo papasok ng bahay nila,

pagdating nya sa kwaro umiyak sya ng umiyak habang sa labas naman hindi alam ni lei kung ano gagawin sinuntok nya yung pader, gusto nyang sumigaw gusto nyang magwala.. alam nya mawawala na si tong sa buhay nya.. 

bakit nya pa kasi pinilit si tong na sabihin yung totoo kung hindi sya nagpilit malamang ayos pa sila ngayon..


gusto nyo din ba mabasa kung ano laman nung sulat ni tong kay emily??

Thursday, February 17, 2011

pipilitin.. kakayanin

Ayun buntong hininga.. sabay yuko..

ano bang ipopost ko ngayon?? hayy namimiss ko sya oo.. kaso kailangan ko panindigan kung anuman yung naging desisyon ko. in the first place kasalanan ko naman kung bakit naging ganito ang sitwasyon..

ang kapal kasi ng mukha ko.. masyado akong naging assuming wala naman ako karapatan..
nakakainis.. bakit ba kasi ako ganito.. hindi ako nag iisip eh dapat nga quiet lang ako kasi nga wala akong karapatan para umakto ng ganun hay!!!

i really miss you yakoh.. sorry sa mga inakto ko.. hindi ko kasi napigilan yung bugso ng damdamin ko ang sakit kasi eh ansakit sakit..

pero siguro nga ok na ganito tayo part our ways para sa ikabubuti ng lahat..
alam kong ayaw mo akong saktan kaso may mga bagay na kahit hindi natin gustuhin nangyayari..

just take care of yourself huh alagaan mo sarili mo everything will be alright.
maybe in the right time magka ayos tayo..

Tuesday, February 15, 2011

Pagsuko

May mga bagay na kahit anong effort ang gawinhindi kayang abutin,

kahit anong pagtityagaat paghihintay wala pa din..

parang ikaw..

ang layo-layo mo.. hirap mong abutin.

siguro this is the right time.. to stop reaching for you..

hirap mong abutin lalo na at ayaw mong magpaabot..


patient akong tao.. pero hindi ako tanga.. at alam ko.. wala talaga..

tao lang ako.. napapagod, nasasaktan


Salamat sa lahat ng hapiness na naidulot mo sa pagkatao ko..

salamat din sa mga thoughts that made me grow..

Goodbye.. This time its for real..

please cooperate..

current feeling: devastated, feeling ewan

Friday, February 11, 2011

block

ayun blangko.. walang laman ang utak,, walang gustong lumabas at dumaloy sa aking mga daliring naghihintay tumipa sa keyboard na tinititigan ko sa mahaba haba na ring oras..

nakapag blog hop na rin ako at nagbasa na ng mga iba't ibang entry at post.. pero wala pa din..
iba kasi laman ng isip ko.. kailan kaya sya mag eevacuate at lilisanin ang magulo kong mundo?
pero naalala ko yung nabasa ko kani-kanina lang

"I won't say goodbye, for goodbye means  going away, and going away means forgetting"


haist tama nga naman.. ang tanong mapapnindigan nga kaya kung mag goodbye ka? minsan naiisip ko yun na kaysa laging ganito ang sitwasyon mas mabuti ngang magpaalam na lang pero habang tumatagal akong nag iisip, manghihinayang naman ako dahil sa araw-araw na ginigawa ng Diyos sya ang isa sa mga rason kung bakit ako nakakangiti at kung bakit laging buo ang mga araw ko..

masya pero mahirap ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.. pero dahil ako si  mhy kakayanin ko ito sa abot ng aking makakaya as long as may dahilan ako para maging masaya at pinapahintulutan nya akong manatili sa buhay nya..

AJAH!!!

Thursday, February 10, 2011

"Masaya naman tayo di ba na ganito BestFriends for life, I don't want to loose a friend like you" "If maging tayo, pano na friendship natin?"


Nung mabasa ko yun sa blog ni Kiko.. Nanlaki mata ko.. parang may nagsabi na rin sakin nun ah?! talaga bang mas ayos ng ganun? hayz....


Siguro mas matimbang ang friendship o anumang tawag sa pinagsasamahan nyo kesa i-try na maging kayo on a romantic way.. kasi nga naman ang kaibigan laging andyan hindi mawawala.. kung mag away man kayo siguradong magbabati parin kayo at magkakabalikan.. hindi tulad ng mga romantic ways.. magkakaiwasan churva,,

Wednesday, February 9, 2011

hindi ba pwede?

kailangan ba pag mawawala, magpaalam?

hindi ba pwedeng wag na lang para walang sakitan?

yung tipong biglaan na lang?...

-- i just want to say goodbye.. thanks for being part of my life,
mahirap gawin pero kailangan.. im sorry

i hate you for making me fall for you this hard,

i guess that's it. i'll have to make my exit from your life.. this time..

maybe forever..

Monday, February 7, 2011

si yakoh

ang tatag ko nuh? hehehe syempre hindi naman napapadaan dito yung taong involve sa entry na ito, kaya matapang akong mag post ng ganito hahaha wala naman pakialam yun kung ano nangyayari sa buhay buhay at life ko (anu daw?!)


hmm sige na nga back to the topic.. si yakoh.. paano nga ba naging parte ng magulo ko ng buhay ang aking dearest yakoh.. ipa-fast forward ko na masyado mahaba kung idedetalye ko pa..


nakilala ko sya sa BMU ka-clan
first impression ko sa kanya weird :D (kung ano ano kasi pinag gigiem)
napukaw nya interest ko nung time na may giniem syang short story.. eh syempre weakness ko yun kaya piniem ko ahehe


unang piem ko sa kanya.. hala weird nga.. anlalalim ng mga sinasabi.. natatawa na lang ako pero ayos lang sanat akong mag handle ng mga ganun.. weird din kaya ako!


ayon lumipas ang mga panahon,, hindi ko namalayan.. nagkakaron na pala sya ng place sa puso ko.. (gumaganun?!) eh kasi naman.. ewan ko ba mabait sya sakin saka sweet sya in any manner.. kaasar!! ayun ulit dumating yung time na nafall na talaga ako sa kanya pero biglang may umeksena (bitter?!) haha si Gisselle friend ko sya since high school medyo wild and bitchy.. nagpasali sa clan go naman ako friend ko eh,, doon na nagbago..


Alam ni Gisselle simula't sapul na may feelings ako sa tungaw na yun.. ahehe may time pa ata na binuking nya ako dun.. nainis pa nga ako nun kasi ayokong malaman nya.. ang masaklap pa..niligawan ni tungaw si Gisselle eh di lalong ouch di ba? hindi lang ako nagpaphalata kasi nga.. anong "K" ko para mag react..eh di sige go lang kahit masakit sa damdamin ang mas masakit pa ulit.. alam na nga ni Gisselle yung nararamdaman ko sa akin pa sya humihingi ng tulong kung ano dapat nyang gawin kay yakoh at tungkol dun sa panliligaw ni tungaw.. aray ulit! may mga times pa na sinesend nya sakin mga tinetext sa kanya ni yakoh,, imagine naman hitsura ko pag nababasa ko yun di ba? that's the time na hindi ko na kinaya.. doon na ako nagbigay ng ultimatum sa sarili ko na didistansya muna ako sa kanilang dalawa, kahit masakit gagawin ko na din.. para naman mabawasan yung mga nararanasan kong torture sa dalawang yun.


napanindigan ko naman yun mga ilang araw naman siguro mga four days.. pero tatagal pa yun kung hindi ako kinulit ni yakoh..andami nya sinend sakin na text wala ata syang balak tumigil kung hindi rereplyan.. naasar ako.. nireplayan ko sya pero with matching pagtataray hehehe ayun dun na natapos pag iwas ko.. bumalik na naman kami sa dati na friend friends churva.. pero syempre dahil sa friends friends churva na yun lalo lang lumalim feelings ko sa kanya..


sige lang ako.. pati si Gisselle pinagseselosan na ako,, siguro hindi maalis sa kanya yung maghinala kasi alam nya nga naman kung ano estado ng puso ko dun sa boyfriend nya.. dun yung time na naiyak na ako and i felt so worthless.. kilala ako ni Gisselle kaibigan ko sya malamang hindi ko gagawin yung mga ganun kahit pa mahal ko yung boyfriend nya.. naiyak ako sa word nya.. na feeling nya inaagaw ko boyfriend ko sa kanya


tandang tanda ko pa yun
"Gusto mo sya?! iyo na sya.. hindi ako madamot"


awch.. bakit hinihingi ko ba boyfriend nya? wala ba akong kwentang kaibigan at nasabihan nya akong ganun?


doon na kami nagkaron ng misunderstanding ni Gisselle..


okey fast forward ulet!!


nung napatunayan ko sa sarili kong mahal ko na talaga sya.. nagbalak ulit akong lumayo.. nag compose ako ng mala nobelang text para sa kanya... hindi ko pa nasesend teary eyed na ako.. naiyak na akong tuluyan nung nag reply sya.. pero *some text missing* naiyak ako kasi hindi ko man lang nalaman kung ano dahilan nya at ayaw nyang magkaroon kami ng next level na relation...


napanindigan ko pa rin yun ilang araw din.. pero nawawala yung shield ko pag magtetext na sta.. takteh hindi ko sya matiis!! kainis!! kaya balik ulit kami sa dati yung parang kami pero hindi naman.. pinabayaan ko na kung san man ako tangayin ng feelings kung yon.. basta ang alam ko sa ngayon.. masaya ako..


at ang karugtong?? saka na.. hehehe ikwekwento ko yung time na nagtapat ulit ako sa kanya dahil sa pamimilit ni dark..

Friday, February 4, 2011

Mga tanong na hindi ko mahagilap ang sagot

Minsan may mga tanong tayo sa buhay natin na mahirap talagang hanapan ng sagot, minsan nga simpleng tanong sa pandinig mo pero kung bibigyan mo ng pansin ang hirap pa pa lang sagutin yung tipong pag nadinig mo.. "huh? alin yun?" ang yabang mo pa na masasagot mo pero bigla ka na lang mapapaisip at mangungunot ang noo sabay sabing "oo nga noh? bakit nga ba? panu nga ba?" isa ak sa libo libong tao na may mga ganyang katanungan eto ang scenario:

Networking class namin 3rd year second sem yun, syempre excited kami dahil sa korphil yung klase namin , airconditioned eh! ang natatandaan ko, daisy chain ang topic nya nun tapos may tinatanong sya na hindi namin masagot at bigla nya sinabing "class minsan kahit maliit na bagay lanhg oh mga hindi kapansin pansin na bagay kailangan ng sagot. mas matututo tayo kung matanong tayo at alamin ang mga bagay na kahit maliit o sa tingin mo walang halaga ay hindi pala" gaya ng mga tanong na:

Bakit nasa labas ang brief ni superman at bakit red? (hagalpakan kami ng tawa buong klase nun pero maya-maya natahimik kami) "oo nga noh? bakit nga ba?" narinig kong sabi ng marami maski naman ako napangunot ang noo nun at napaisip sa nakakatawa pero nakaka-curious na tanong na yun ni sir. nag follow up question pa si Sir

Eh bakit ang traffic lights green, red, at orange ang kulay? bakit green sa Go? bakit orange at bakit red sa Stop? hala napaisip na naman ako hindi pa nga kami nakakarecover dun sa una nyang tanong hala at eto pa isa na nakakawindang. andaming pang tanong ni sir na hindi ko na matandaan kung ano- ano hay! windang ang 3A that time..

Another scenario:

Multimedia class namen with Sir Orias,, Si Sir Orias naman kahit hindi konektado sa topic basta maisipang magtanong, eh magtatanong at ang ganda ng tanong nya huh

"guys bakit si gremlin na masscot ng mcdo eh kulay violet? wala namang tindang ube sa mcdo db?" poo nga naman.. naisip ko..

eh yung mga pansarili ko kayang tanong may mga kasagutan?

bakit ang building, building pa din ang tawag kahit tapos na syang gawin? (hindi ba dapat BUILT na?)

Bakit ang painting, painting pa din ang tawag kahit tapos na yung i-paint? (hindi ba dapat painted na?)

haist marami pa akong mga tanong na talagang hindi ko mahanapan ng sagot..
EH KAYO? MAY MGA TANONG BA KAYO? :))

Thursday, February 3, 2011

..my first ever entry..

ahehe una kong nakasalamuha at naging mulat sa pagbblog sa FRIENDSTER at ang mababasa nyo po ay ang aking unang unang entry sa larangan ito..

natatwa na lang ako pag nababasa ko ito

what a life!!! wheww!!

Post on July 7th, 2007 by 13-mhyjr 

Wednesday, February 2, 2011

hindi porke babae ka,,

"bakit ako unang makikipagbati?! babae kaya ako? kahit ako may kasalanan dapat sya mauna noh"

"bakit ako unang mag aaproach? babae kaya ako? hihintayin ko na lang na sya gumawa ng first move."

"ako ang dapat masunod! ako dapat humawak ng suweldo mo, ako ang babae!" 

"pumapatol ka sa babae, bakla ka ba?!"

yan ang mga karaniwang maririnig mo sa mga babaeng pinagmamalaki na babae sila, pero minsan hindi nila inilalagay sa ayos at sa tama ang pagiging babae nila, bagkus inaabuso pa nila ito at ipinamumukha ito sa opposite sex, which is mali.. isang napakalaking pagkakamali.. (oh mga babae wag muna mag react may dahilan naman ako kung bakit ko nasabi yun,, pinapaalala ko lang babae din ako)


bakit ko nasabing mali? actually hindi naman sa lahat ng pagkakataon, naiinis lang ako dun sa mga kabaro ko na masyadong mapagmalaki at akala mo kung sino, na laging sinasabing "babae ako, may angal ka?" tapos sila pa may ganang magalit pag nabastos sila ng mga kalalakihan.

isipin naman natin kasi diba? na hindi sa lahat ng oras eh tama tayo.. kahit pa babae tayo, naiinis ako dun sa mga babaeng nagsimula ng away tapos may gana pang sabihan ng bakla yung lalaki kapag pinatulan sya, in fact naman eh talagang mali sila.. hindi porke babae ka wala ng karapatan ang mga lalaking patulan ka lalo na at nasa tama sila. may mga isp din yan at alam nila kung tama sila o hindi, hindi porke babae ka ikaw na hahawak sa suweldo ng asawa mo, (eh paano kung waldas ka pala at sa sugal mo lang inuubos ang pera ng asawa mo? mali nga yon)

hindi porke babae ka hindi ka na pwedeng mag approach sa lalaki.. hindi nakakahiya yun lalo na at alam mo at nararmdaman mong may feelings din sya sayo. pero kung nakapag approach ka na at ayaw talaga wag mo na ipilit baka namis- interpret mo lang yung mga galaw nya.

hindi porke babae ka hindi mo na pwedeng tanggapin pag nag away kayo ng irog mo kahit ikaw ang may mali kailangan mong makipagbati. hindi yun masama as long as alam mo sa sarili mo na mali ka at kaya mong ibaba ang pride mo para lang sa taong mahal mo.


hhindi porke babae ka wala ng puwang sa lalaki ang makipag argumento pag may mga panahong may pinagtatalunan kayo. hindi sya BAKLA, pinaglalaban nya lang ang alam nyang tama at ang kanyang prinsipyo lalo na at masyado mo ng tinatapakan pagkakalaki nya.

kaya girls HINDI PORKE BABAE ka,, ikaw ang laging tama..
HINDI PORKE BABAE ka,, ikaw ang laging susundin

gets!??



Followers