Monday, May 16, 2011

ang aking mga dahilan

ayun nawawala ako sa huwisyo..

gusto kong magsulat pero wala akong mailabas na idea.. ganito naman talaga ako pag walang ikinasasakit ng loob o kaya ay masaya ako kung ano ako ngayon.. ewan ko ba.. bakit pag emotera mode ako saka lumalabas yung mga bagay na gusto ko ilabas.. wala eh ganun talaga..

ang pagsusulat lang naman kasi ang nagiging sandigan ko pag may problema ako o kaya may mga bagay akong gustong ibahagi pero walang gustong makinig sakin..

sa pagsusulat ko nailalabas ang mga nararamdaman ko.. sa pagsusulat ko naihihinga ang sama ng loob na nagpapasikip sa aking dibdib..sa pagsusulat lang ako dumedepende sa oras na kailangan ko ng masasandalan.. ang pagsusulat ang nagiging kaibigan ko..


ang pagsusulat lang ang hindi nang iwan at handang makinig sakin sa kahit anong oras.. na gusto kong umiyak...


kaya salamat sa mga kabagang kong papel. at ballpen pag nasa bahay ako pati narin sa keypad ng cellphone ko =)
at kanila kuyang keyboard at monitor pag nasa comp. shop ako..

pangako hinding hindi ko kayo tatalikuran.. swear!!!

No comments:

Post a Comment

Followers